SUMAKABILANG-BUHAY na si Jose Concepcion Jr., founder ng election watchdog National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL), nitong Miyerkoles. Siya ay 92.
Si Concepcion, mas kilala sa tawag na Joecon, ay “epitome of the patriot-industrialist, who believed in the Philippines’s ability to achieve economic development that was inclusive and pro-Filipino,” pahayag ng kanyang pamilya sa isang statement.
Sa isang post sa Facebook ay inilarawan naman ng NAMFREL si Concepcion bilang isang “visionary leader who truly loved his country, and believed in the power of ordinary citizens to effect lasting change in their own communities.”
Sa hiwalay na statement, sinabi ng Makati Business Club (MBC) na tumulong ang NAMFREL leader sa pagkakaroon ng transparency sa makasaysayang 1986 election.
Si Concepcion ay dating ring Trade and Industry secretary at miyembro ng 1971 Constitutional Convention. Siya rin ang CEO ng RFM Corp. mula 1965 hanggang 1986.
Naulila ni Joecon ang kanyang maybahay na si Maria Victoria Araneta, walong anak at 31 apo, at ang twin brother na si Raul.
Ang public viewing ay sa March 7 hanggang March 10, 1 p.m.-10 p.m., sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.
Isang Requiem Mass ang iaalay sa March 11, 1:15 p.m., sa Santuario de San Antonio Parish Church, Forbes Park, Makati City.