KAYSA habambuhay makipagsapalaran at tuwing Nobyembre at Disyembre kumikita sa paputok, napagtanto ni Aling Beng, Belinda Acosta, tunay na pangalan, 52-anyos, na mag-iba na lang ang negosyo.
Ang dating pagawaan ng paputok na ibubong, pawid at ni walang semento ang sahig, ngayon ay konkreto na at higit sa lahat may kisame, may bentilasyon, maraming ilaw at sementado na.
Dahil ang malawak na lugar na iyon ay puno na ng tela, rolyo ng sinulid, mga butones, zipper at iba pang materyales sa paggawa ng bag.
Magdadalawang taon nang iba ang hanapbuhay ni Aling Beng na dating ang negosyo ay paputok sa Bocaue, Bulacan.
Ngunit sa tindi ng kanyang sinapit kung saan isang beses nang na-wash out ang kanyang paputukan ay sinabi ni Aling Beng na…stop at enough na!
“Ayoko nang tumaas ang BP (dugo) ko hanggang buo ang aking pamilya at mga tauhan kailangan mag-iba na ng ikabubuhay!” kuwento ni Aling Beng sa PILIPINO Mirror.
Kaya naisip niya, ang isa pang malapit sa kaniyang puso.
Ang gumawa ng bag. Knapsack o bagpack, ang mga iyon ang madalas na maraming order, pangalawa ang travelling bag.
Dahil mahusay sa disensyo si Aling Beng, puwede nang panggaya sa mga branded na bag.
Hindi naman siya nagkamali ng desisyon dahil marami siyang naging suki sa Divisoria at Baclaran na humahango sa kanya at iba pang pamilihan sa Bulacan.
Sa ngayon aniya ay wala nang kaba na madisgrasya ang puhunan niya subalit hindi pa rin mawawala ang problema sa paniningil pero tolerable naman daw. Celia Pascua
Comments are closed.