EX-Ginebra player pumanaw na

SUMAKABILANG-BUHAY na si dating Barangay Ginebra player Emilio “Nonoy” Chuatico, ayon sa PBA.

Si Chuatico, first round selection ng Ginebra, ay 55 taong gulang.

Pumanaw si Chuatico noong Sabado sa United States matapos ang matagal na pakikipaglaban sa cancer.

Dating Ateneo Blue Eagle, si Chuatico ay kinuha ng Ginebra sa first round ng 1992 draft at naglaro ng apat na seasons sa PBA.

Siya ang team captain ng Ateneo na nagkampeon sa UAAP noong 1987, at kinatawan ang Filipinas sa 1991 Southeast Asian Games.

Nakalaro ni Chuatico ang ilang future PBA stars sa 1991 national team sa SEA Games, kabilang sina Marlou Aquino, Jun Limpot, Vergel Meneses, Johnny Abarrientos at Bong Ravena.

Matapos ang kanyang PBA career ay napunta siya sa ngayo’y buwag nang MBA.

Comments are closed.