MISAMIS OCCIDENTAL – INABSUWELTO ng Sandiganbayan si dating Misamis Occidental Gov. Loreto Ocampos sa kasong malversa-tion kaugnay sa pinasok na proyekto na Misamis Occidental Aquamarine Park (MOAP) katuwang si foreign investor Foad Akhavan.
Batay sa desisyon na isinulat ni Sandiganbayan 6th Division Associate Justice Kevin Narce B. Vivero na concurred by Chairperson Associate Jus-tice Sarah Jane T. Fernandez and Associate Justice Karl B. Miranda, hindi guilty si Ocampos.
Sinabi ng korte na dinismis ang malversation charges laban kay Ocampos dahil sa kakulangan ng ebidensiya na nilustay ng gobernador ang public funds at maling paggamit sa private use.
Hindi rin napatunayan na nakipagsabwatan o bibigyan niya ng pabor si Akhavan.
“WHEREFORE, premises considered, the Court finds and holds…accused Ocampos and Akhavan NOT GUILTY of malversation under Article 217 of the Revised Penal Code in Criminal Case No. SB-15-CRM-0088,” batay sa 57-page court decision na na-promulgate noong Disyembre 5, 2018.
Samantala, naniniwala si Ocampos na ang pagkaso sa kanya ni Oscar Visitacion noong Marso 15, 2011 ay poltically motivated at nagpapasalamat siya sa korte dahil nalinis ang kanyang pangalan.
“Obviously, it was politically motivated case and I’m thankful to the court decision to declare me not guilty of the charge,” ayon kay Ocampos.
Sinasabing si Visitacion ay kaalyansa ng kalaban ni Ocampos sa politika na si dating Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na napatay sa anti-illegal drugs operation.
Ilang taon nang namahinga sa politika si Ocampos at natuon ang kanyang oras sa pagtuturo sa organic farming subalit muling tatakbo sa pagka-gobernador sa May 2019 Midterm elections.
Si Ocampos ay nakatapos ng tatlong termino sa kaparehong puwesto noong 2001 hanggang 2010. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.