CAGAYAN – PATAY ang isang ginang na dating guro sa isang pribadong paaralan matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin na nagtamo ng dalawang tama ng bala mula sa kalibre .45 baril sa Barangay Mamunit, Gonzaga.
Kinilala ni Police Staff. Sgt. Loreto Verson ng Gonzaga Police Station ang biktima ng pamamaril na si Vilma Quilala, residente ng nabangit na barangay dating guro at supporter umano ng natalong mayoralty candidate sa nasabing bayan.
Sa imbistigasyon ng awtoridad papauwi na umano ang biktima sa kanilang tahanan kasama ang kanyang anak mula sa ginanap na coronation night sa kapistahan ng Barangay Mamunit, ng nabanggit na lugar nang lapitan sila umano ng nag-iisang salarin at malapitang binaril ng dalaang beses sa mukha ang biktima na siyang ikinamatay nito kaagad.
Sinabi pa ni P/Staff Sgt. Verson matapos ang pamamaril ay nagpapautok pa ng baril ang salarin habang tumatakas ito at mabilis na sumakay sa naghihintay na sasakyan sa madilim na bahagi ng kalsada.
Dalawang anggulo ang tinitignan ng kapulisan, away sa lupa at politika ang maaring motibo sa pagbaril na ikinamatay ng dating guro. IRENE GONZALES
Comments are closed.