EX-INTEL NG ARMY DEDO SA DRUG BUST

patay

DAVAO DEL SUR – KAMATAYAN ang sumalubong sa 35-anyos na dating intelligence member ng 39th Infantry Battalion ng Phil. Army matapos kumasa sa mga awtoridad sa isinagawang drug operation sa Jose Abad Santos Sr., Brgy. Zone 3, Digos City sa lalawigang ito noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Police Lt. Col. Vici Anthony Tababa, acting chief ng Digos City PNP ang nasawi na si Sgt. Reginald Labajo na nakabase sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Nabatid na isinailalim sa buy bust operation ang suspek at nakatunog ito na isang  pulis undercover ang kanyang ka transaksiyon kaya kumasa subalit naunahan itong ratratin ng mga operatiba.

Narekober sa suspek ang apat na pakete na shabu (40.67 gramo) na may street value na P276,555, isang cal. 9 mm pistol na kargado ng mga bala. MHAR BASCO

6 thoughts on “EX-INTEL NG ARMY DEDO SA DRUG BUST”

  1. 863238 256014This web page is often a walk-through for all of the details it suited you with this and didnt know who to ask. Glimpse here, and you will surely discover it. 642828

Comments are closed.