EX-KOREAN COP NA BIG BOSS NG SCAMMER TIMBOG

ISANG dating pulis na Koreano na nagtayo ng scam syndicate sa tatlong bansa kung saan nagkamal na ng P5 bilyon o $100 milyon ang naaresto ng pinagsanib na mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI), Camarines Sur 2nd Provincial Mobile Force Company, Naga city Mobile Force Company at Korean authorities sa Naga City.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang naaresto na si Park Junghoon, 49-anyos, at umano’y “big boss” sa itinayong phishing syndicate sa iba’t ibang bansa.

Nasakore si Park sa agsaysay Avenue sa Naga City, Camarines Sur sa bisa ng Warrant of Deportation na inisyu laban sa kanya dahil sa pagiging undocumented at undesirable alien.

Si Park ay dating miyembro ng Korean National Police Agency, at may dalawang outstanding Warrant of Arrest na inisyu ng Gwangju District Court noong August 2013 at ng Seoul Daejeon District Court noong 2014 sa mga kasong pandarambong.

Nabatid na si Park, bukod sa Pilipinas ay nagtayo ng call centers for telecom fraud sa China at Vietnam mula 2012 hanggang 2013, at batay sa record ng BI nakakulimbat ang grupo ni Park ng aabot sa $100 milion katumbas ng P5 bilyon sa loob ng dalawang operasyon.FROILAN MORALLOS

165 thoughts on “EX-KOREAN COP NA BIG BOSS NG SCAMMER TIMBOG”

Comments are closed.