Ipina-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang ex-live in partner ni Marietta Subong o kilala sa tawag na Pokwang, na si Lee O’Brian, dahil sa pagtatrabaho nang walang kaukulang permit mula sa pamahalaan.
Ayon sa report, pinaalis o pina-deport si Brian noong April 8 lulan ng Philippine Airlines flight PR 104 patungong San Francisco, California, USA matapos ang ilang buwang deliberasyon ng kanyang deportation order.
Batay sa impormasyon, si Pokwang ang nag-facilitate sa deportation order ng kayang ex-live in partner dahil nadiskubre nito na nagtratrabaho ito sa ibat-ibang production company nang walang permit mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Matapos ang kanilang break up noong November 2021 ay inihayag ni Pokwang na: “Una sa lahat walang third party, wala in fairness kay Papang (O’Barina), hindi rin pera, kagaya ng mga lumalabas na pera, hindi ganon, walang ganon, at siguro napagod lang kami”.
Nag-apela si O’Brian sa pamamagitan ng pagsumite ng motion for reconsideration sa naging desisyon ng Immigration, ngunit hindi ito pinagbigyan dahil napatunayan na meritorious o may basehan ang reklamo ni Pokwang.
At kasabay sa naging desisyon ng BI Board of Commissioners ang pagpapa-blacklist kay O’Brian, o hindi na ito maaring makababalik sa Pilipinas.
FROILAN MORALLOS