NAGSASAGAWA ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya makaraang isa na namang suspendidong pulis na dating nakatalaga sa Maynila ang dinukot umano ng mga armadong indibidwal sa Sta.Mesa, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Patrolman Real Lopez Tesoro, 41- anyos, huling nakatalaga sa MPD Station 7 Tayuman PCP, at residente sa Alley St Brgy. 601 Sta Mesa, Manila.
Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD), nangyari umano ang pagdukot dakong alas-10:05 ng umaga sa V. Mapa Extension sakop ng Brgy. 601 Sta Mesa, Maynila habang naglalakad si Tesoro.
Ayon kay Mary Ann Gervacio, 31-anyos, live in partner ni Tesoro na sapilitang tinangay ng mga armadong lalaki ang kanyang asawa sakay ng dalawang SUV na kulay black, walang plate number.
Inaalam ang sa motibo ng pagdukot at pagkakilanlan ng mga suspek.
Nabatid kay MPD Director Brig.General Leo Francisco na si Tesoro ay naka-assign na sa NCRPO.
“Sa NCRPO sya naka-assign ,sa Sta.Mesa lang dinukot. Info pa lang …pinapa verify ko pa lang,” ayon kay Francisco.
Matatandaan na una nang dinukot sa Binondo si PCpl Allan Hilario ng higit sa limang kalalakihan. PAUL ROLDAN
Comments are closed.