EX-MAYOR PINAGBABARIL HABANG NAKA-HOUSE ARREST

pinagbabaril

CEBU – ISANG da­ting alkalde ang pinagbabaril noong Martes ng gabi nang hindi pa nakikilang mga suspek habang naka-hospital arrest sa Bogo-Medellin Corporation, Medical Center, Barangay Luya, Medellin.

Kinilala ito na si Ricardo Rodriguez Ramirez alyas Ricky, 55-anyos, detainee ng Medellin District Jail, kung saan under hospital arrest ang dating alkalde sa nasabing bayan.

Sa ulat ng Police Regional Office 7 alas-11:50 ng hatinggabi, ay limang lalaki na armado at sakay ng tatlong SUV at isang puting kotse ang dumating sa nasabing ospital at pinagbabaril ang dating alkalde na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

May kasama itong mga taga-BJMP sa ospital nang pagbabarilin.

Si Rodriguez ay naka-hospital arrest dahil sa kasong illegal possession of firearms. REA SARMIENTO

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *