EX-MILITANT LEADER PINATAHIMIK

LAGUNA – PINAGBABARIL ng ‘di nakikilalang salarin ang isang dating militant leader habang lulan ng kanyang kotse sa Ilo-ilo Street, South City Homes, Brgy. Sto. Tomas, Binan City.

Kinilala ni Binan City Chief of Police PLt. Col. Giovanni Martinez ang napaslang na si Romeo Naval y Capunitan, alias ” Kumander Liwanag”, residente ng Brgy. Zapote, Binan.

Alas-5:10 ng Miyerkules ng hapon nang maganap ang insidente habang bumibihaye ang biktima nang harangin ng mga suspek at agad itong pinagbabaril.

Samantala, batay sa talaan ng pulisya, nabatid na ang biktima ay dating Kadena Leader. DICK GARAY

Comments are closed.