BULACAN- BOLUNTARYONG sumuko sa pulis at militar ang dating miyembro ng New People Army sa ilalim ng Malahutayong Pakigbisog Alang sa Susunod (MAPASU) nitong Martes Santo.
Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director Col.Relly Arnedo, kinilala ang sumukong NPA na si Alyas Kamandag na nag-ooperate sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad sa 41-anyos na si alyas Kamandag na isang magsasaka ay una nang sumama sa kilusan noong 1996 at taong 2013 ng iwanan nya ang grupo.
Samantala residente si Kamandag sa Brgy, Mapulang Lupa sa bayan ng Pandi.
Kasabay nito, isinuko ng dating rebelde ang isang cal. 38 na walang serial number na may apat na live ammunitions.
Samantala, isinailalim na sa tactical interofation ng mga tauhan ng 70th Infantry Battalion ng Philippine Army ang dating rebelde habang nasa kustodiya ng 2nd PNP Provincial Moble Force Company.
Sumuko si Kamandag dahil sa pinaigting na kampanya ng militar at PNP na national task force to end local communist armed conflict. THONY ARCENAL