NEGROS OCCODENTAL-ISANG dating aktibong kasapi ng communist New Peoples Army (NPA) na naging gun-for-hire ang napatay ng Philippine National police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa lalawigang ito.
Ayon kay PNP-AKG Director Brig.Gen. Jonnel Estomo, napatay sa ikinasang law enforcement operation suspek na nakilalang si Emmanuel Dequilla Sampani.
Si Sampani ay target ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Alejandro Marquez ng RTC Branch 79, Region 4A Judicial Region, Morong, Rizal dahil sa kasong murder at walang piyansa na inirekomenda ang korte laban sa suspek.
Nabatid kay PNP-AKG Spokesman P/Maj Rannie Lumactod, Sampanbi ay dating kasapi ng CPP/NPA sa ilalim ng Narciso Antaso Arabic Command (NAAC) na kumikilos sa lalawigan ng Rizal.
Bumalik ang suspek sa Negros Occidental upang nakipagsabwatan sa mga criminal gang na sangkot sa gun for hire, land grabbing at gun running.
Sinabi ni Estomo, nakatanggap sila ng intelligence information hinggil sa presensiya ni Sampani sa Barangay Dulao, Bago City, Negros Occidental kaya agad sila nagkasa ng operasyon.
Naramdaman umano ng suspek ang presensiya ng mga pulis kaya agad ito umalis sa kanyang bahay sakay ng kanyang motorsiklo at nagtago sa mga puno ng Mahogany at dito na pinaputukan ng suspek ang mga awtoridad na naging dahilan para gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
Narekober naman sa crime scene ang mga armas, bala at iba pang mga kagamitan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.