BUTUAN CITY – NASAWI ang 58-anyos na dating opisyal ng People’s Army (NPA) matapos manlaban nang isisilbi sana sa kanya ang dalawang warrants of arrest kaugnay sa mga kasong kinakaharap nito sa naganap na shootout sa Brgy. San Ignacio sa lungsod na ito noong Miyerkoles ng umaga.
Nakilala ang suspek na si Manuel Maganti Gilo, may asawa, dating finance officer ng Southern Mindanao Regional Committee ng NPA.
Ayon kay P/Major Rennel Serrano, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 3, nahaharap sa kasong robbery at robbery with homicide ang suspek.
Isinilbi sa suspek ang arrest warrant bandang alas-11 ng umaga subalit imbes na sumuko ay kumasa at nakipagbarilan sa pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Caraga, at mga sundalo.
Base sa tala ng pulisya, ang suspek ay isa sa pangunahin sa pagdukot at pagpatay kay Loreto, Agusan del Sur Mayor Dario Otaza at anak nitong si Daryl.
Bukod pa sa ilang malalaking krimen na naganap sa Agusan del Norte at Sur. MHAR BASCO
Comments are closed.