PANGASINAN – PINAGBABARIL ng hindi pa nakikilalang grupo ang sinasakyan ni dating Congressman at Pangasinan Governor Amado Espino Jr. kahapon sa Brgy. Magtaking sa San Carlos City.
Sa tweet ni Senator Richard Gordon, pasado alas-5 ng hapon, “fighting for his life” ang dating Pangasinan official sa Blessed Family Hospital sa lungsod.
Habang nasawi naman ang limang bodyguards nito na nag-cover kay Espino upang hindi ito tamaan ng mga punglo.
Sa nag-viral sa social media na sasakyang van ng dating kongresista, ay tadtad ng tama ng bala ang sasakyan.
Ayon naman kay PNP Spokesman BGen. Bernard Banac, naganap ang pananambang alas-4 ng hapon.
Agad namang nanawagan si Gordon sa Philippine National Police (PNP) na papanagutin ang nasa likod ng pananambang. REA SARMIENTO
Comments are closed.