EX-PBA PLAYER INAASWANG  ANG KA-LIVE IN NG KAPUWA PLAYER

on the spot- pilipino mirror

SINO kaya itong ex-PBA player na ito na walang kahihiyan? Aba’y nagte-text sa live-in partner ng kanyang kapuwa player.  Tinatanong kung kasal na ba sila ng player. Maganda naman kasi ang girlalo at sexy.

Kung titingnan mo siya ay parang dalaga pa at hindi mo mapagkakamalan na may anak. Artistahin ang dating, kutis porselana kaya endorser ito ng mga derma clinic. Ang kinakasama niyang player ay kabarkada ng mga sikat na player sa PBA, MPBL, D-LEAGUE, etc. Ang nakatutuwa kay girl ay tapat siya sa kanyang partner. Kapag may nagpapalipad-hangin sa kanya ay sinasabi niya agad ito sa waswit niyang basketbolista.

Balik tayo kay ex-PBA player na naglalaro ngayon sa isang semi-professional league. Hindi kataka-taka kung bakit hiniwalayan siya ng kanyang misis. Kunwari ay lungkot factor si Bisaya, eh ‘di pa nagtatagal ang hiwalayan blues nila ng kanyang asawa ay panay send na ng message sa partner ng kanyang kapuwa player. Lingid sa kaalaman niya ay ibinulong na ni player ang pang-aaswang sa kanyang misis ng palikerong player. Alam ko na kung bakit nakursunadahan ni ex-PBA player ang live-in partner ng dating player ng Mandaluyong.  Kasi tisay ito.



Congratulations sa matagumpay na one-day league ng PROUDLEY PINOY under-18 sa Milan, Italy. Ito ay para sa paghahanda nila sa paglahok sa NBTC sa 2019.  Ito ay nilahukan ng iba’t ibang pro­vinces  ng  Italia tulad ng Bologna, Torino at Perugia at 3 teams sa Milan, Italy. Nagkaroon po ng opening ceremonies sa pangunguna ni Consul Emanuel Melejor na pumili ng best muse at best uniform sa liga.  Hinati ito sa  2 groups kung saan ang bawat group ay may tatlong teams na maglalaban-laban. Ang dalawang mangungunang teams ay umusad sa semifinals.

Nag-champion sa one-day league ng Proudley Pinoy ang Perugia laban sa Bologna. Naging finals MVP si John Matira Perugia, habang season MVP si Gabriel Gomez Perugia. Binubuo naman ang mythical five nina  Harvey Ortiga  ng Pogi, Milan at Christian  Dave Palad ng Bologna (best guard). Napili naman bilang best center si Thomas  Perugia, at si Gian Marco Esporito ang best forward. Naging matagumpay ang liga dahil sa samahan nina Mr. Ever Cuerdo.  Saludo po kami sa inyo sa pagbibigay ng malasakit sa mga batang nais maabot ang ­pangarap na maging ganap na basketball player.



Hindi matanggap ng Rain or Shine Elasto Painters ang dalawang sunod na pagkatalo nila. Kaya naman palit-import agad sila. Kahapon ay nasubukan ang bagong import ng team na si Terrence Watson laban sa Alaska Aces. Sana nga si Watson na ang sagot sa malamyang simula ng ROS.

Comments are closed.