Malaki ang papel na ginampaban ni dating “Pinoy Big Brother” housemate Carolyn Batay, a.k.a Carol Batay, sa Senate inquiry na may kinalaman sa illegal offshore gaming hubs. Siya ang naging Chinese interpreter sa nasabing pagdinig.
Dinaluhan ito ng kapatid ni businessman Michael Yang na si Tony Yang, na nangangailangan daw ng interpreter dahil hindi siya nakakaintindi at nakapagsasalita ng Tagalog, English o kahit ano pang lengwaheng ginagamit sa Pilipinas (duh?).
Si Batay ang nag-translate ng Chinese statements ni Tony sa English, na naging malaking tulong sa mga senador sa pakikipag-communicate sa kanya.
Unang naging interpreter si Batay sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality hinggil pa rin sa POGO noong May 22 kung saan nagsagawa siya ng live interpretation ng Fookien na sinabi ng sinibak na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na may Chinese name na Guo Hua Ping.
Nahaharap ngayon si Guo sa mga kasong graft, money laundering, at qualified human trafficking. Kwestyunable rin ang kanyang citizenship, kaakibat ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation na nagsasabing kahalintulad ng kanyang fingerprints ang isang Chinese national.
Kasabay ni Batay sa PBB noong 2009 sina Melai Cantiveros at Jason Francisco, ngunit na-evict siya agad. Marunong mag-chinese si Batay dahil kabilang daw siya sa third generation ng Chinese na nag-migrate sa Pilipinas. Dito na siya ipinanganak at lumaki.
Nang ma-evict sa “Bahay ni Kuya,” naging events host, Chinese interpreter, at language instructor si Carol.
“When things get stressful, I barely have time to teach students personally so I decided to come up with this channel to reach out to more students, not only in the Philippines, but hopefully all over the world,” aniya.
RLVN