EX-PBB TWINS JOJ AND JAI MAY BOUTIQUE SA KCC MALL SA ZAMBOANGA

JOJ AND JAI

entra eksenaHINDI man na­ging big star ang twin sister na sina Joj at Jai Agpangan na parehong produkto ng Pinoy Big Brother ay may kanya-kanya naman silang career sa showbiz. Maliban sa pag-aartista ay pareho ring social media influencers ang magkapatid. At their young age ay nag-decide na rin ang dalawa to put up their own Boutique business ang Joj and Jai Collections na isang pop-up store na kinagigiliwan ng mamimili sa 2nd floor, East wing KCC Mall de Zamboanga.

“So far,  maayos ‘yung income ng aming business ni Jai kaya feel blessed kami dahil nag-succeed kami sa business venture naming ito,” sabi pa ni Joj.

CYBER LIBEL CASE NI OGIE DIAZ VS MAPANIRANG DJ KAPITANA SISA NAKAUMANG NA

KILALANG level-headed ang komedyanteng talent manager na si Ogie Diaz, kapag Ogie and SISAconstructive ‘yung kritisismo sa anak-anakan at alaga niyang si Liza Soberano ay kanyang pinalalampas.

Pero itong inimbentong kuwento ng bading na DJ ng Energy FM na si Kapitana Sisa tungkol sa blind item nito kay Liza, sa isyung buntis at twice nagpalaglag at ang lakas na magbigay ng clues na banggitin ang pangalan ni Enrique Gil at Ogie, ay nagpanting ang tenga ni Mama Ogie at hindi raw talaga nito kayang palampasin si Kapitana Sisa o Glenn Dy sa ginawa nitong pagyurak sa magandang imahe ni Liza. Malapit nang bumalik ng ban­sa ang aktres pagkatapos ng successful na ope­rasyon sa da­liri sa Amerika.

Narito ang hamon ni Ogie sa nasabing deejay na isa sa mga araw na ito ay kanya nang sasampahan ng kasong cyber libel sa korte. Maglabas raw ng kongkretong ebidensiya si Kapitana Sisa, sa inilabas nitong balita kay Liza at bibigyan niya ito ng 1 million pesos.

“Kung mapatutunayan mong totoo ‘yung claim mo (at binanggit mo pa talaga ang name ko kaya um-obvious ang tsika mo), bigyan kita ng ng isang mil­yong piso, para hindi ka na nang-uuto ng subscribers mo. Totoo ‘yang hamon ko. “Pero kung mapapatunayan nating nag-iimbento ka na may source ka, kahit isang kutos lang sa ulo mo, happy na ako,” sey pa ni Ogie sa exclusive interview sa kanya sa programa nina Morly Alinio at Gorgy Rula sa DZRH.

Naku, mahihirapan si Kapitana Sisa na lusutan ang cyber libel laban sa kanya lalo’t walang basehan at malisyoso ang ibinalita sa kanyang blog.

LIMITED EDITION NG LITTLE MISS PHILIPPINES SA 40TH ANNIVERSARY NG EAT BULAGA

BAHAGI pa rin ng selebrasyon ng Eat Bulaga para sa kanilang 40 years sa little miss ph2telebisyon ang ibinalik nilang Little Miss Philippines, pero this time ay limited lamang ito kaya hindi mapanonood ng matagal.

Isa sa original segment ng EB ang Little Miss Philippines kung saan ilan sa mga sumali at nanalo rito ay naging malaking pangalan sa showbiz kabilang na sina Aiza Seguerra, Jessa Zaragosa, Julie Anne San Jose Ryzza Mae Dizon at marami pang iba. Marami pala ang nagre-request na gawin ng worlwide ang LMP, at mabibigyan ito ng katuparan sa susunod na taon.

Sigurado kapag nagkaroon na ng worldwide search ay tiyak dudumugin ang audition nito.

2 thoughts on “EX-PBB TWINS JOJ AND JAI MAY BOUTIQUE SA KCC MALL SA ZAMBOANGA”

  1. 967374 172135The Case For HIIT Cardio – Why You need to Concider it By the way you may want to take a look at this cool internet site I found 328042

Comments are closed.