TULUYAN nang na-dismiss sa serbisyo ang dating ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Jonathan Morales.
Ito ay dahil sa umano’y hindi pagsasabi ng totoo at grave misconduct sa pagtatanim ng ebidensya sa isang pekeng drug-bust operation.
Magugunitang, si Morales ay isa sa mga testigo ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs at sa pagdinig ay iginiit na authentic ang mga pre-operation reports na nag-uugnay kay Marcos at aktres na si Maricel Soriano sa droga.
Sa desisyon ng Civil Service Commission (CSC) noong Hulyo 7, 2014, pinagtibay ng CSC ang desisyon ng PDEA na nagpapatalsik kay dating PDEA agent Jonathan A. Morales, isa sa mga saksi sa tinatawag na “PDEA leaks” inquiry sa Senado.
Ang parehong desisyon ay nagbabawal din kay Morales na kumuha ng anumang civil service examination.
Forfeited din ang retirement benefits ni Morales dahil sa sinira nito ang reputasyon ng gobyerno nang iligal na inaresto at gumawa ng ebidensya si Morales laban sa mga inosenteng tao.
Bukod sa binansagang “professional liar” kinumpara rin ng punong ehekutibo si Morales na jukebox at sinabing
“Kung anong ihulog mo, basta maghulog ka ng pera, kahit anong kantang gusto mo, kakantahin niya.” VC