EX-PETRO GAZZ TRIO NASA CIGNAL NA

PINALALAKAS ng Cignal ang lineup nito bilang paghahanda sa 2022 season ng Premier Volleyball League’s (PVL).

Target ng HD Spikers na mahigitan ang kanilang 1-8 outing sa 2021 Open Conference sa pagkuha kina Ces Molina, Ria Meneses, at Jerrili Malabanan.

Ang tatlo ay dating bahagi ng Petro Gazz Angels.

Muling makakasama nina Malabanan at Molina si Cignal head coach Shaq delos Santos, na naging coach din nila sa Far Eastern University.

Pinapirma rin ng Cignal sina Marist Layug at Glaudine Troncoso.

Si Layug ay dating naglaro PLDT, habang si Troncoso ay sa  Sta. Lucia.

Makakasama nila ang mga nauna na ring pumirma na sina Graze Bombita, Gel Cayuna, Angeli Araneta, at  Bia General.