EX-PIO CHIEF NG AFP BAGONG KOMANDER SA SOUTHERN LUZON

Arnulfo Burgos

RIZAL – MAY bago nang komander ang 2nd Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakabase sa Camp Capinpin, Tanay.

Ito ay sa katauhan ni BGen. Arnulfo Burgos na dating hepe ng public affairs office ng Philippine Army na kinalaunan ay namuno sa public information office ng AFP at na-promote bilang brigade commander ng 202nd Brigade na nakabase sa Laguna.

Noong Hulyo 12 ay itinalaga siyang  pinakamataas na pinuno sa AFP Southern Luzon na may operational jurisdiction sa buong Region 4.

Pinangunahan ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Macairog Alberto ang change of command sa nasabing kampo.

Lubos naman ang pasasalamat ni Burgos kay Pangulong Rodrigo Duterte sa tiwala na ibi­nigay sa kaniya na pamunuan ang 2nd ID.

Prayoridad ni Burgos na tuldukan ang Local Communist Armed conflict sa pamamagitan ng whole of government approach na siyang pinaka mabisang paraan para talunin ang communist insurgency.

Hinimok naman ni Alberto si Burgos na ipag­patuloy ang operational momentum ng Army sa nasabing rehiyon para labanan ang komunistang rebelde.

Isa sa ipinagmamalaki ng 2nd ID ang pag-organisa sa kauna-unahang RTF ELCAC 4A, ang pioneering Army unit na nagpatupad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program sa Luzon at Visayas na nagsi­mula nuong August 2018.

Si Burgos ay miyembro ng PMA “Maringal” Class of 1988 at ang ika-39th Commander ng 2nd Infantry Division.

Pinalitan ni Burgos si BGen. Elias Escarcha na miyembro ng PMA Class 1986 na mistah ni Alberto at PNP Chief, PGen. Oscar Albayalde. EUNICE C. 

One thought on “EX-PIO CHIEF NG AFP BAGONG KOMANDER SA SOUTHERN LUZON”

Comments are closed.