ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Philippine National Police (PNP) Chief, Retired Gen. Camilo Pancratius P. Cascolan bilang Undersecretary ng Department of Health.
Sa nag-circulate na appointment paper na naka-address kay Health Officer-In-Charge, Ma. Rosario Vergeire, nakasaad ang pangalan ni Cascolan bilang bagong undersecretary at papalitan nito si Usec Roger Tong-An na ang naging pokus ay DOH Usec for Admin and Finance.
Ang dokumento ay may lagda ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Kinimpirma naman ng DOH ang pagtatalaga kay Cascolan.
Nagpasalamat si Cascolan sa pagpili ni PBBM sa kanya at tiniyak na makatutulong siya sa administrasyon at pagpapatakbo sa ahensiya.
Magugunitang makaraang magretiro bilang PNP chief noong Nobyembre 10, 2020, makaraan ang tatlong buwan ay naitalaga rin sa Office of the President si Cascolan bilang undersecretary.
EUNICE CELARIO