CEBU – DEAD on the spot ang isang dating seafarer nang pagbabarilin ito ng motorcycle riding gunman malapit sa kanyang bahay sa Toledo City, Cebu, kahapon.
Agad na binawian ng buhay ang biktima na kinilalang si Ronnie Obenza, 50-anyos, isang dating seaman.
Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lone gunman na nakasakay sa motorsiklo.
Lumitaw sa pagsisiyat, ayon kay Lt. Col. Janette Refter, Toledo Police Station chief, galing ang biktima sa kanilang lumang bahay sakay ng bisikleta para sindihan ang mga ilaw roon.
Pauwi na sana ang biktima sa kanilang bahay sa Barangay Bato nang barilin ito sa ulo at katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Kasalukuyang inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa krimen. VERLIN RUIZ
Comments are closed.