PUMANAW na si dating senador at environmentalist na si Heherson Alvarez, matapos ang ilang araw na pakikipag laban sa sakit na coronavirus disease (COVID-19).
Magugunitang si Alvarez ay itinakbo sa Manila Doctors Hospital, kasama ang kaniyang asawang si Cecile Guidote-Alvarez, founder ng Philippine Educational Theater Association (Peta) na pawang dinapuan ng nakahahawang sakit.
Napag-alamang kamakailan lamang ng gumaling at nakauwi ng bahay si ginang Alvarez, habang nananatili naman sa ospital ang dating mambabatas.
Nabatid na bago pa man lumala ang kondisyon, susubukan pa sana sa dating senador ang plasma theraphy.
Subalit dahil sa mahinang pangangatawan ay tuluyang bumigay na ito at hindi na nakabawi.
Si Alvarez ay ipinanganak noong October 16, 1939 sa Santiago, Isabela na naging senador noong June 30, 1987 – June 30, 1998.
Naging kalihim ng Department of Agrarian Reform noong February 7, 1987 – March 7, 1987. BENEDICT ABAYGAR, JR.