EX-SOLDIER, KAGAWAD NASILO SA ENTRAPMENT

ISABELA-ARESTADO ang dating miyembro ng Philippine Army at isang barangay kagawad matapos na maglatag ng isang entrapment operation ang Roxas Police Station kaugnay sa kasong robbery extortion kahapon ng umaga sa isang fast food chain sa Barangay Rizal, Roxas.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jef Balurin, 32, dating sundalo, ng San Francisco, San Manuel, at Daniel Garcia, 49-anyos, may asawa at kagawad sa Brgy. Villanueva.

Sa ulat na ipinarating ng tagapagsalita ng PNP PRO2, dumulog sa kanilang himpilan ang isang nag-ngangalang Deslyn Llanes, 21-anyos, anak ni Jometes Llanes na may-ari umano ng lupang pinag-aagawan at residente ng San Antonio kung saan inireklamo nito ang mga suspek na humihingi umano ng P30,000 upang itigil ng mga ito ang pagbabakod sa naturang lupa.

Dahil dito kaagad na ikinasa ang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Roxas Police Station, Isabela Police Provincial Office at Provincial Intelligence Unit, Isabela PPO na nagbunsod sa pagkakasakote ng mga suspek.

Sinabi pa ng biktima na ipinangako rin umano ng mga suspek na ibibigay sa biktima ang titulong hawak nila kapalit ng nabanggit na halaga.

Ang pagpapatayo ng bakod ay iniutos umano ng nagngangalang Romeo Llanes, isa sa mga nakikipag-agawan sa lupa at kapatid rin ng mga nagrereklamo. IRENE V. GONZALES

38 thoughts on “EX-SOLDIER, KAGAWAD NASILO SA ENTRAPMENT”

Comments are closed.