EX-SOLDIER NA NINAKAWAN NG TILAPYA NAGRAMBO

rambo

QUIRINO – APAT katao ang minalas kabilang ang isang namatay at tatlo ang ang sugatan sa pagwawala ng isang dating sundalo na namaril sa Barangay San Isirdo Paredes, Diffun.

Kinilala ni Chief Insp. Victoriano Yarcia, hepe ng Diffun Police Station ang suspek na si Reynaldo Raddam, 49, sundalo, habang ang nasawi ay si Mateo Tadeo, isang laborer, at sugatan naman si Brgy. Chairman Rolly Pagadua, Brgy. Kagawad Arnold Padua,  at si Eduardo Elias, na kasalukuyang ginagamot sa pagamutan.

Dumating ang suspek na dating sundalo, sa lugar na kung saan ay kasalukuyang kumakain ang mga taong nakipag­libing nang tanungin si Pagadua kung sino ang nagnanakaw ng mga tilapya sa kanyang fishpond, na hindi umano nagustuhan ng suspek ang sagot nito.

Umalis ang suspek sa lugar ng kainan at nang bumalik ito ay may dala na itong baril at walang habas na namaril gamit ang isang kalibre 45 baril na dalawang tama ng bala ng baril ang tinamo ng biktima sa ulo sa siyang ikinasawi nito kaagad na ikinasugat naman ng tatlo. IRENE GONZALES