EX-SPD DIRECTOR SINIBAK, UMANGAT SA PUWESTO

Archie Gamboa

TAGUIG CITY – MAY kaha­lili na si dating National Capital Region Police Office (NCRPO) Deputy Regional Director for Operations BGen. Albert Ignatius Ferro na ngayon ay director ng Police Regional Office 7, at ito ay sa katauhan ni BGen. Nolasco Bathan na inalis bilang director ng Southern Police District.

Ang paggalaw sa puwesto ng dalawang opisyal ay kasunod ng pag-alis kay BGen. Valeriano De Leon sa Central Visayas.

Magugunitang naging kontrobersiyal si Bathan makaraan ang isyu ng umano’y cellphone grabbing sa isang TV reporter sa kasagsagan ng Pista ng Nazareno sa Maynila noong Enero 19.

Samantala, Si Col. Emmanuel Peralta naman ang pumalit kay Bathan bilang Acting District Director ng Southern Police District.

Ang huling balasahan ng mga opisyal ay kasunod ng command conference sa Camp Crame noong Huwebes na nilahukan ng mga Command Group, Directorial Staff, Regional and National Support Unit Directors kasabay rin ng surprised drug test na pinangunahan ni PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa habang ang PNP Crime Laboratory ang nagsagawa ng nasabing pag-susuri.

Una nang sinabi ni Gamboa na ang pagsibak at paglipat ng puwesto ng mga opisyal ay base sa evaluation ng kanilang performance, kampanya laban sa ilegal na droga, ilegal na sugal, rogue cops, at pagsunod ng mga opisyal sa command policies. MARIVIC FERNANDEZ/ROSE LARA

Comments are closed.