BULACAN – DEAD on the spot, si incumbent Brgy. Chairman Mauro Capistrano, 56-anyos, ng Brgy. Bagbaguin, Pandi, habang napatay rin si Ex-Pandi Vice Mayor Oscar T Marquez, 54-anyos, residente ng Brgy. Manatal makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki na armado ng calibre .45 baril sa bayan ng Plaridel.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, ganap na alas-11:00 ng umaga nang pagbabarilin ang mga biktima sa isang restaurant sa Brgy. Bulihan, Plaridel sa nabanggit na bayan.
Ayon sa anak ni Kapitan, mag-aalas-10:00 ng umaga, nang umalis ang kanyang ama kung saan may kausap ito sa ibinebenta nilang lupa na nagka-kahalaga ng P20 milyon.
Ayon sa saksi na si alyas Vince, kitchen aid ng restaurant, kasalukuyang siyang nag-iihaw, nang may nagtanong sa kanyang isang lalaki kung saan ang comfort room makalipas ang ilang minuto makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril.
Kung saan isang lalaki ang kanyang nakita na nakasuot ng face mask, at pinagbabaril ang barangay chairman.
Narinig niya ang sigaw ng suspek na kaya niya binaril ay sangkot umano ang biktima sa droga.
Matapos ang pamamaril, sumunod na hinabol ng mga suspek na armado ng cal. 45 si Marquez sa baypass road kung saan inabutan ito sa bakanteng lote.
Kasabay nito ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo. THONY ARCENAL
Comments are closed.