EXCAVATION PERMIT APPLICATION AND ISSUANCE DIGITAL NA

permit issuance application dpwh

SINIMULAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatupad ng online application at pag-iisyu ng excavation permits sa mga pilot regions alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing digital ang mga frontline services para sa publiko.

Batay sa ulat ni Bureau of Maintenance OIC-Director Gene Ryan A. Altea kay Public Works and Highways Secretary Manuel M. Bonoan, ang tatlong-buwang pilot testing ng Permit Issuance Application (PIA) ay sakop ang mga excavation permits sa mga national roads pati na ang para sa mga utility companies sa NCR, Regions 7 at 11.

“With the application, we can accelerate the permit issuance process as our clients can do everything online, from the submission of documentary requirements to the acquisition of permit with unique QR code” ani Bonoan.

Simula Setyembre 2 hanggang Disyembre 6, 2024, maaaring gamitin ng mga kliyente ng DPWH sa mga nasasakupang pilot regions ang PIA sa https://pia.dpwh.gov.ph.

Target na maging fully-operational nationwide ang programa pagsapit ng unang bahagi ng 2025.

Bukod sa excavation permit application at issuance, ang DPWH PIA ay magbibigay rin ng serbisyo para sa mga application ng Setback Clearance, Extraordinary Freight at Bridge Attachment Permit na pangunahing mga serbisyo ng DPWH Bureau of Maintenance.

“Our PIA will streamline the management of excavation permits, fully supporting the Department’s mandate for enhanced efficiency and transparency. We encourage out stakeholders to use the available system to expedite the processing of their application and issuance of permit” dagdag pa ng kalihim.

RUBEN FUENTES