EXCHANGE TRADING BUBUUIN NG BAGUIO CITY AT MINDANAO

MINDA Emmanuel Piñol

NAKATAKDANG bumuo ang lokal na pamahalaan ng Baguio City katuwang ang Mindanao Development Authority (MinDA) ng economic enterprise.

Ayon kay dating Agriculture Secretary at ngayo’y MinDA Chief Emmanuel Piñol, layunin nito na mapatibay ang barter exchange trading ng Mindanao at Baguio City.

Kaalinsabay nito ang matagumpay na kauna-unahang MinDA Fruit Festival sa Baguio City kung saan mabilis na naibenta sa City of Pines ang nasa 22 tonelada ng iba’t ibang prutas mula sa Mindanao.

Ayon kay Piñol, sa pamamagitan ng economic enterprise ay mas mapapabilis ang pagbebenta ng vendors sa Mindanao sa kanilang produkto dahil tatlong entities na lamang ang makikibahagi sa transaksiyon at walang magsisilbing middleman.

Idinagdag pa ng MinDA chief na isa sa mga nagpapataas ng presyo ng mga produkto ay ang pagkakaroon ng middleman sa isang transaksiyon.     BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.