NAKAHANDA ang gobyerno na suspendihin ang pangongolekta ng excise taxes sa mga produktong petrolyo sa sandaling pumalo sa $80 per barrel ang presyo nito.
“What I know is that excise taxes will be suspended if they reach a certain amount. If I’m not mistaken, $80 [per barrel] so we are ready if that oil prices reach [as high as $100 per barrel] to suspend the collection of excise taxes on fuel,” wika ni Presidential Spokesperson Harry L. Roque, Jr. nang tanungin sa contingency plans ng pamahalaan para protektahan ang publiko sa oil prices na aabot sa $100 per barrel.
Ginawa ni Roque ang pahayag, isang araw makaraang sabihin ni Sen. Sherwin T. Gatchalian na dapat maagang maghanda ang pamahalaan sa sandaling umabot sa $100 per barrel ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Kahapon ay tumaas ang presyo ng gasolina ng P1.60 ($0.031) per liter, diesel ng P1.10 ($0.021) per liter at kerosene ng P1 ($0.019) per liter.
Ang paggalaw sa world oil market ang tinukoy na dahilan sa oil price hike, na sinasabing pinakamataas buhat nang magsimula ang taon.
Hanggang press time, ang Brent crude price ay malapit na sa $80 per barrel habang ang Dubai crude ay nasa $74.793 hanggang nitong Mayo 21.
Noong Biyernes ay muling nanawagan si Senador Bam Aquino sa pamahalaan na suspendihin ang pagpapatupad ng excise tax sa krudo upang maibsan ang epekto ng TRAIN law sa transport sector. BERNADETTE NICOLAS
Comments are closed.