EXCISE TAX SA PETROLYO TIGIL MUNA

Rep-Miro-Quimbo

IGINIIT ng isang mambabatas ang pagpapatupad ng moratorium sa pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, dapat na maisabatas na ang House Bill 8171 na nagbabalik sa zero o nagtatanggal ng excise tax sa diesel at kerosene na ipinapataw sa ilalim ng Tax Reform for Acce­leration and Inclusion (TRAIN)  Law upang maipatupad na ang mo­ratorium.

Itinatakda ng panukala ang suspensiyon ng implementasyon ng dagdag excise tax sa petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law.

Sinabi ng mambabatas na dapat nang kumilos ang Kongreso sa pagsipa ng inflation sa 6.4% nitong Agosto para hindi na ito tumaas pa sa mga susunod na buwan.

Dagdag pa niya, ang mga ganitong probisyon sa TRAIN Law ay masyadong anti-poor na lalong nagpapahirap sa publiko. CONDE BATAC

Comments are closed.