EXEC DEPT PINURI SA REALLOCATION NGP3 PROGRAM FUND

PINURI ni Senador Christopher ‘Bong’ Go  ang pagkilos ng Executive Department para sa  pag-facilitate ng  reallocation ng pondo  ng  Department of  Trade and Industry  na Pondo ng Pagbabago  at Pag-asenso o P3 program.

Layon nitong magbigay ng financial assistance sa mga Small and Medium Enterprises  na gumagawa ng  COVID-19 medical devices at Personal Protective Equipment.

Nauna rito ay  inaprubahan ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang reallocation ng P3 Program  fund para magkaroon ng pondo ang SMEs na gumagawa ng medical supplies at PPEs.

Mahalaga aniya ang suportang  ito para mapagaan ang pinapasan  ng mga negosyo  at ng kanilang mga empleyado.

Binigyang diin ni Go na gusto ng marami na mabilis na manumbalik  ang sigla ng ekonomiya ng bansa habang gusto rin ng lahat na  may sapat na emergency equipment para mas mabilis na manumbalik sa normal ang buhay at ekonomiya.

Matatandaang umapela si Go sa Executive Department   na suportahan din   ang  SME businesses  kasunod ng pagtugon din sa kanyang hiling  na suportahan din ang mga empleyado ng mga ito.

Kaugnay nito ay umabot sa 250 SMEs na gumagawa ng medical supplies at PPEs ang natukoy ng pamahalaan kung saan ang pagtulong sa mga ito ang “jumpstart”  ng kanilang produksiyon na tutugon sa supply gap o kakulangan ng mga kailangan ng mga medical frontliner sa pagtugon sa COVID-19 pandemic. VICKY CERVALES

Comments are closed.