EXOTIC PESTS ITINAGO SA POSTAL ITEMS NADISKUBRE

NASABAT ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang ilang pirasong misdeclared pests galing Thailand sa Sub-Port ng Central Mail Exchange Center (CMEC) .

sa ulat, nabisto ang mga kahinahinalang iligal na kontrabando matapos sumailalim sa masusing pagsusuri ang mga postal item at isalang sa x-ray scanning at physical examination.

Dito nadiskubre na sadyang itinago sa loob ng parcel ang 50 piraso ng isopods, invertebrates na nabibilang sa greater crustaceans na pawang idineklarang candies.

Ang mga nabistong exotic pests ay agad na kinumpiska dahil na rin sa kawalan ng import clearance mula sa Bureau of Plant Industry, paglabag sa Plant Quarantine Law of 1978 (PD 1433) at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

“The Bureau of Customs pledges to prevent smuggling and protect the country’s borders against threats, including exotic pests, through strict border controls and reforms,” ani Immigration Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

Tiniyak naman ng BOC-NAIA na lagi silang nakatutok sa kanilang border security laban sa mga pagtatangkang makapagpuslit ng foreign pests. VERLIN RUIZ