IPATUTUPAD ng Bureau of Immigration (BI) ang expanded coverage ng travel restriction sa bansa, makaraang maglabas ng resolution ang Inter-Agency Task Force (IATF) na naglalayong payagang makapasok sa Filipinas ang ilang mga dayuhan.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, sa ilalim ng Section 9(d) ng Philippine Immigration Act of 1940, ang mga foreigner na may hawak ng 9(d) visa ay maari nang makapasok sa bansa.
Nakasaad na naturang batas ang mga negosyanteng dayuhan na magtatayo ng negosyo o kaya magi-invest ng trade or commerce ay makakapasok sa alinmang lugar sa bansa.
Kasama rin dito ang mga dayuhan na may hawak na visa na inisyu ng economic zones ng freeport area ng Bataan, Cagayan Economic Zone Authority, at Clark Development Corporation. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.