EXPANDED FREE TRADE AGREEMENT

South Korean Ambassador Han Dong-man-2

INAASAHANG lalagdaan ng South Korea at ng Filipinas sa susunod na buwan ang isang expanded free trade agreement upang palakasin pa ang ugnayang pangkalakalan ng dalawang bansa, ayon kay South Korean Ambassador Han Dong-man.

Ang pahayag ay ginawa ni Han sa harap ng mga diplomat na dumalo sa Korea National Foun-dation Day Celebration at sa Armed Forces Day sa Makati Shangri-La noong Martes ng gabi.

Ayon kay Han, noong 2018 ang trade volume sa pagitan ng South Korea at ng Filipinas ay umabot sa USD15.6 billion, mas mataas ng  9.3 percent kumpara sa naunang taon.

“To expand our trade relations, negotiators from Korea and the Philippines are working hard to reach a deal on a free trade agreement between our two countries,” sabi ni Han.

“We are now approaching the conclusion of the bilateral trade agreement, which is poised to be signed by the end of November,” dagdag pa niya.

Tinukoy ni Han ang outstanding leadership ni Trade Secretary Ramon Lopez sa lumalawak na trade relations sa pagitan ng South Korea at ng ­Filipinas.

“I am confident that this bilateral deal will further enhance our business ties and benefit both economies,” aniya.

Aniya, kaugnay sa ‘people-to-people exchange’, ang South Korea ang largest source ng foreign tourist visitors ng Filipinas.

Napag-alaman na noong 2018 ay may 1.6 million Koreans ang bumisita sa bansa at sinabi ni Han na nangako siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na palolobohin ito sa dalawang milyon ka-da taon sa panahon ng kanyang termino.

Dagdag pa ni Han, lagi niyang sinasabihan ang Korean businessmen tuwing makikita niya ang mga ito na mag-invest sa Filipinas alinsunod sa ‘Build Build Build’ program ng admi­nistrasyong Duterte.

Samantala, maraming Pinoy rin ang bumibisita sa Korea bilang Korean entertainers tulad ng K-pop. Ang Korean food at K-cosmetics ay kilala sa buong Filipinas.   PNA

Comments are closed.