EXPANDED NUMBER CODING SUSPENDIDO SA NOV 27

KINUMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Lunes, Nobyembre 27.

Ito ay dahil inilipat ang Bonifacio Day sa nasabing petsa mula sa orihinal na Nobyembre 30, alinsunod sa Proclamation No. 90.

Payo ng MMDA, saan man ang destinasyon, laging planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.

EC