EXPANDED PATERNITY LEAVE (Isusulong ng Kamara)

paternity leave

PLANO ng Kamara na maipasa naman ang pagpapalawig sa paternity leave matapos na maisabatas ang Expanded Maternity Leave Law.

Nais ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na agad ding maaprubahan ang House Bill #3401 na nag-susulong na gawing 15 araw ang paternity leave mula sa kasalukuyang 7 araw.

Layunin ng panukala na matulungan at masuportahan physically at emotionally ng lalaki ang bagong panganak na asawa at magkaroon ng mas matagal na child-father bonding.

Nilinaw naman ni Pimentel na ang paternity leave ay maaaring i-avail ng mga tatay sa unang apat na anak sa kanyang lawful o legal na asawa.

Paliwanag ng kongresista, napatunayan sa ilang pag-aaral na ang mga tatay na may mga ganitong prib-ilehiyo ay mas nagiging involved sa pagpapamilya at pagkakaroon ng mas malalim na bonding sa anak.

Sa ibang mga bansa aniya ay mas mahahaba ang paternity leave at 80% pa ng kanilang regular pay ang ibinibigay na pasahod. CONDE BATAC

Comments are closed.