EXPANDED SUGGESTED RETAIL PRICES IPATUTUPAD BUKAS

Trade Undersecretary Ruth Castelo

IPATUTUPAD na ng Department of Trade and Industry expanded suggested retail prices (SRP) bukas, Miyerkoles, Agosto 1.

Kasali na sa expanded SRP ang premium brands ng pangunahing panga­ngailangan at bilihin tulad ng sardinas, kape, gatas, pangsahog at kandila.

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na ang desisyong ito ay para makatulong sa mga konsyumer.

“Dati puro budget binibigyan natin ng SRP pero merong clamor ang consumer na bigyan din sila ng price guide sa mas mataas na kalidad na bilihin. Naglagay tayo ng premium brand para alam din nila presyo ng binibili nila.”

Pero sinabi ni Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association na maaapektuhan umano rito ang mga maliliit na mangangalakal.

“Kami naman ang mahihirapan. We buy from distributors not from manufacturers anymore,” sabi ni Cua.

Mahihirapan umano ang ilang miyembro ng asosasyon na makatupad sa expanded SRP.

“We will have to adjust our margins kahit lumampas sa SRP. We just have to explain why because we cannot make ends meet.”

Ang DTI ay regular na naglalathala ng SRP guide sa kanilang  website. Ang groceries at supermarkets ay mayroon ding SRP guide na prominenteng nakaposte  sa kanilang business establishments para magabayan ang mga mamimili.

Comments are closed.