PASIG CITY – MAY bago nang pangulo ang Manila Electric Company (MERALCO) at ito ay sa katauhan ni Ray Espinosa na pormal na nailuklok bilang kapalit ni Mr. Oscar Reyes.
Ginawa ang pormal na pagtatalaga makaraan ang 56th annual shareholders meeting sa Meralco Lopez Building noong Martes, Mayo 28.
Standing ovation naman mula sa shareholders at company executives ang natanggap ni Reyes makaraang marinig ang kaniyang farewell speech makaraan ang 9 taong pamamahala sa power supply company.
Sa talumpati ni Reyes, pinasalamatan nito ang mga opisyal at tauhan ng Meralco gayundin si Meralco Chairman Manuel V. Pangilinan sa pagbibigay ng tiyansa sa kanya na makapagsilbi at manguna sa nasabing power company.
Samantala, tiniyak naman ni Espinosa na itutuloy niya ang direksiyon ni Reyes at titiyakin ang tamang power distribution para sa kanilang franchise area.
Kasama aniya sa kanyang itutuloy ang mga planong paglalawak ng operasyon sa iba pang bahagi ng bansa.
“We want to expand in the Philippines,” ayon kay Espinosa.
Idinagdag pa ni Espinosa na may mga pag-uusap ang Meralco sa iba’t ibang solar, wind at natural gas proponents para sa posibleng supply part-nerships.
Sinabi rin ni Espinosa na itutuloy lamang ng Meralco ang paggamit sa coal dahil wala namang pagbabawal hinggil dito. EUNICE C.
Comments are closed.