HINDI na makakapasok sa bansa ang mga dayuhang may hawak ng expired entry exemption documents na inisyu ng Department of Foreign Affairs (DFA), simula Hunyo 1, ayon sa Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente.
Batay ito sa resolution ang Inter-Agency Task Force for management of Emerging Infectious Diseases (IATF), na ang mga inisyung exemption documents ng DFA noong Pebrero 2020 sa kasagsagan ng General Community Quarantine (GCQ) bunsod sa COVID-19 ay paso na sa sa susunod na buwan.
Ayon naman kay Atty. Carlos Capulong, BI Port Operations Division Chief, ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang mga exemption documents na ito, ay magagamit sa loob ng 90 days from the date of issuance.
Dagdag pa ni Capulong ang mga dayuhan na may hawak ng visa, at ang Special Resident Retirees Visas, ay required na kumuha ng entry exemptions mula sa DFA upang makapasok sa bansa. FROI MORALLOS
Comments are closed.