SINIRA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ng Port of Clark sa Trece Martires, Cavite ang expired na gamot sa inabandonang kargamento dahil walang maipakitang permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Ayon sa report, bukod sa mga expired na gamot kabilang din sa kargamento ang cosmetics na ipinasok sa bansa ng walang mga import permit at approval ng FDA.
Batay sa impormasyon, ang isinagawang condemnation sa mga inabandonang kargamento ay naayon sa section 1145 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). FROILAN MORALLOS
Comments are closed.