EXPIRED RE-ENTRY PERMITS PUWEDENG I-RENEW SA AIRPORT

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na puwedeng ipa-renew sa airport ang mga expired na reentry visa.

Nakapaloob sa me­morandum na inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente kung saan sakop sa memo ang mga foreigner na inisyuhan ng immigrant at non-immigrant visas, na-stranded sa ibang bansa dulot ng COVID-19.

Ito ang ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra na payagan pumasok sa bansa ang mga dayuhan na may expired reentry permits (RPs) at special return certificates (SRCs) sa halip na pabalikin sa kanilang mga port of origin.

Ayon kay Morente, ang RP ay ang foreigners na may hawak ng immigrant visa, at permanently naninirahan sa Pilipinas, at ang SRC ay ang mga non-immigrant na may hawak ng 9(g) working visa at 9(f) holders ng student visa.

Dagdag pa nito ang mga RP, SRC at immigration clearance ay requirements o kinakailangan ng foreigners bago makalabas ng bansa dahil kapag wala ang mga ito may posibilidad na pabalikin sa kani-kanilang mga port of origin.

Nakarating din sa kaalaman ng BI na karamihan sa mga dayuhang ito ay expired ang mga RP, at SRCs kung kaya’t sa ilalim ng bagong BI protocol,pinapayagan na silang I-RENEW ang RPs at SCRs pagdating sa airport.

At ang reentry permits ay valid mula anim na buwan hanggang isang taon pagkaalis sa Filipinas. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.