EXPRESS LANES SA PAGBABAKUNA NG SENIORS AT WORKERS IMINUNGKAHI NG MMDA

IMINUNGKAHI  ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr. na magbukas ng “express lanes” para sa mga taong nabibilang sa A1 hanggang A3 kapag naumpisahan na ang pagbabakuna sa mga A4 (mga essential worker at senior citizens).

“There is one thing we could do and what we could do is have an express lane para ‘yung mga naiiwan [those who were not vaccinated yet], for example, you are a senior citizen, person with comorbidities, then you open now the A4,” ani Abalos.

Ang naging hakbangin ni Abalos ay bunsod na rin sa naging panukala ni Senador Sherwin Gatchalian na buksan na ang slot nang pagbabakuna sa mga taong gusto nang magpabakuna kontra COVID-19 para mapabilis ang vaccine rollout ng gobyerno.

Sinabi pa ni Abalos ang problema ng pagbabakuna ay dahil sa global supply at kapag dumating na sa bansa ang bakuna ang magiging problema naman ay ang immediate utilization ng COVID-19 vaccine doses.

“That is why the target in the Metro is November. If everyone is united, this is achievable,” sabi pa ni Abalos. LIZA SORIANO

4 thoughts on “EXPRESS LANES SA PAGBABAKUNA NG SENIORS AT WORKERS IMINUNGKAHI NG MMDA”

Comments are closed.