EXPRESSWAYS HANDA NA SA HOLY WEEK EXODUS

NAGSAGAWA na ng mga kinakailangang paghahanda ang infrastructure unit ng San Miguel Corporation para sa inaasahang pagdagsa ng mga sasakyan ngayong linggo sa lahat ng expressways nito patungong mga probinsya kaugnay sa paggunita sa Semana Santa.

Ang mga ito ay ang South Luzon Expressway, (SLEX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR), Skyway System, NAIA Expressway, at ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Simula noong Lunes, April, 3, dinagdagan ng SMC Infrastructure ang mga tauhan nito sa lahat ng tollways nito para tugunan ang inaasahang holiday exodus, at makatulong sa pagtiyak sa episyente at ligtas na pagbiyahe ng mga motorista.

Nag-deploy rin ng mobile patrol units sa lahat ng strategic locations, habang magdaragdag ng ambulant tellers sa major toll plazas upang tulungan ang toll collection personnel na mapabilis ang daloy ng mga sasakyan palabas ng Metro Manila patungong northern at southern provinces.

“Our operations teams are prepared for the rush of our kababayans leaving Metro Manila to spend the upcoming holidays with their loved ones in the provinces. We’ve made the necessary adjustments in our manpower deployment to ensure that traffic will flow smoothly along our carriageways and speed up the scanning of Autosweep tags and cards at exits,” sabi ni SMC President and CEO Ramon S. Ang.

“We encourage our motorists to make sure their Autosweep RFID accounts have sufficient load and to have their Autosweep cards ready in their vehicles, to avoid any delays. Our ambulant tellers are also equipped to scan cards for faster transactions, in case there is heavy build-up at the exits,” dagdag ni Ang.

“To our motorists, we ask for your patience and understanding, as we all try to get to our destinations safely this Holy Week. Kindly anticipate heavy traffic and plan your trips well. Also, please make sure your vehicles are in good condition and are road-worthy, as common problems we see at expressways–blown out tires and overheating engines–can also cause a significant amount of delay and inconvenience to other motorists.”