Extended Reality, katotohanan sa teknolohiya

Ang Extended Reality (XR) ay umbrella term na tumutigon sa pag-iisa ng Augmented Reality (AR), Virtual Reality (VR), Mixed Reality (MR) at kahit ano pang may kinalaman dito. Ito ang katotohanan ngayon sa teknolohiya.

Araw-araw, nagbabago at umuunlad ang XR consumer experiences at nagbabago rin ang malawak na segment ng industriya mula sa industrial manufacturing at healthcare, hanggang sa education at retail.

Layon ng nasabing teknolohiyang pagsamahin o salaminin ang physical world sa kakambal na digital world, upang makapag-interact sila sa isa’t isa, kung saan ang users ay magkakaroon ng immersive experience sa pagkakaroon ng virtual o augmented environment. Mabilis ang pag-unlad ng virtual reality at augmented reality at inia-apply na rin ito ng malawakan tulad halimbawa sa entertainment, sinehan, marketing, real estate, training, education, maintenance, at remote work. Kaya ng Extended Reality na paglapitin ang workplace, training, educational purposes, therapeutic treatments, at data exploration and analysis.

Gamit ng XR ang visual data acquisition na pwedeng ma-access locally o kaya naman ay shared and transfers sa network at sa human senses. Gamit ito, nagkakaroon ng real-time responses sa virtual stimulus kaya nagkakaroon ng customized experiences.

Sa mga laptops at cellphones, nagunguna sa XR ang 5G at edge computing – isang uri ng computing na ginagawa sa “at or near the source of data” – na makatutulong sa data rates, mapagbubuti ang user capacity, at mababawasan ang latency. Ang mga applications na ito ay magpapalawak sa expand extended reality sa hinaharap.

Halos one-third ng global extended reality market ay nasa Europe, pero marahil, hindi pahuhuli ang Pilipinas. Ang Pinoy pa!

Napakahalaga ng XR sa kasalukuyang technology trend dahil halos lahat ay nais makaalis sa tinatawag na real boundaries of the world. Sa pagligka ng reality na walang tangible presence, naging napakapopular ng XR sa mga gamers, medical specialists, at retail and modeling.

Dito pumapasok ang Mixed Reality (MR), kung saan matatanaw mo ang real world — physical world – pero may overlay ng digital elements, kung saan pwedeng magkaroon ng interaction ang physical at digital elements. Sa tulong naman ng Virtual reality (VR), magkakaron ng fully-immersive digital environment.

XR ang pinagsamang real and virtual environments at man-machine interactions – na ang ibig sabihin, ito ang “reservoir” para sa AR at VR, kung saan napapagsama silang lahat sa iisang environment. Gayunman, kapag sinabing “XR” meron tayong bagay na very specific. Gumagamit ang XR ng napakalaking LED Volumes upang makagawa ng virtual environments kung saan makakapag-interact ang lahat.

Gaming ang crucial area sa XR para sa popular careers na hindi gaanong nangangailangan ng high-level qualifications kundi passion lamang sa online gaming. Pwedeng gawin ang game design, animation o kahit pa editing programs upang magkaroon ng successful career dito. Pumapasok naman dito ang AR upang mapalawak ang surroundings sa pamamagitan ng pagdadagdag ng digital elements sa live view, kadalasan, sa paggamit ng camera sa smartphone. Syempre hindi pahuhuli ang VR upang magkaroon naman ng completely immersive experience na pamalit sa real-life environment.

Isang magandang halimbawa ng Extended Reality application ay ang paggamit nito sa dining experience. Gamit ang XR, itataas lamang ng user ang kanilang smart glasses o gagamitin lamang nila ang kanilang smartphone na may AR capabilities. Maibibigay nito ang real-time information sa kalapit na restaurants at kung saan matatagpuan ang mga paborito nilang pagkain.

Sa mga susunod pang mga taon, may posibilidad na tuluyan nang maiwawaksi ang physical interaction. Hindi ko alam kung makabubuti ito o makasasama, ngunit ito ang reyalidad ng mundo. Patungo tayo sa pag-unlad, sa ayaw natin at sa gusto. NLVN