INAPRUBAHAN na noong Martes, Hulyo 2, ng pamunuan ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Taiwan ang free-visa extension sa mga Pinoy na magtatapos sa Hulyo 31, 2020.
Sa ginanap na interministerial meeting ng Taipei Economic and Cultural Office, napagdesisyunan na palawigin ang 14-day free-visa entry program para sa mga mamamayan ng Filipinas sa Hulyo 31, 2020 bilang trial basis na ang orihinal na visa waiver ay nakatakdang magtapos sa Agosto 2019.
Napag-alaman na ang Filipinas, Thailand at Brunei ay nasa talaan ng New Southbound Policy countries sa South at Southeast Asia kung saan nagkasundong mas lalong palakasin ang ties sa economic trade, cultural at tourism.
Samantala, sa official statistics, lumilitaw na ang bilang ng dayuhang turista mula sa mga bansang nasa talaan ng New Southbound Policy na bumibisita sa Taiwan ay nagsimulang tumaaas sa 2.29 milyon noong 2017 at 13.61 porsiyento (2.6 milyon) ang itinaas noong 2018.
Inilatag naman ang ilang patakaran para sa visa-free entry tulad ng standard passport na valid at least 6 months ago, may confirmed return plane ticket, hotel reservation o accommodation address, contact information at proof of adequate finances, at walang criminal record mula sa bansang pinanggalingan base na rin sa beripikasyon ng immigration officers.
Magugunita na aabot sa 165 foreign nationals na karamihan ay mga Vietnamese at Indonesian ang nasakote ng National Immigration Agency (NIA) makaraan ang nationwide crackdown laban sa mga dayuhang paso na ang visa.
Ayon sa NIA, umabot sa 74 katao ang inaresto dahil sa overstaying habang 91 naman ang ikinulong dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa Taiwan. MHAR BASCO
Comments are closed.