BATANGAS- INANUNSIYO ng Port Management Ofiice (PMO) na binuksan at pinapagamit na ngayon sa publiko ang Phase 2 o ang extension ng Passenger Terminal Building ng Batangas Port para sa mga pasaherong magtutungo sa pantalan ngayong holiday season.
Ang nasabing gusali ay kayang mag-accommodate ng karagdagang 8,000 pasahero mula sa 3,500 na seating capacity ng Phase 1 ng Passenger Terminal Building.
Maliban dito, naglagay na rin ng dagdag na mga tent at upuan ang PMO ng Batangas para sa mga dumarating pang mga pasahero.
Nag-deploy din ang nasabing PMO ng dagdag na personnel para tumulong sa pag-assist sa mga pasaherong nasa pantalan habang alerto at nakaantabay din ang mga Port Police at K-9 units sa pantalan sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard.
Paalala naman ng Philippine Ports Authority (PPA) na maagang magpunta sa port, tatlo hanggang limang oras bago ang inyong nakatakdang byahe at direktang makipag-ugnayan sa mga shipping lines bago pumunta sa pantalan upang maiwasan ang anumang aberya.
EVELYN GARCIA