APRUBADO na ng Senado at Kamara ang panukala para sa pagpapalawig sa voter registration period na dapat sana ay matatapos sa Setyembre 30.
Ang Senate Bill 2408 at House Bill 10261 ay inaprubahan ng lahat ng senador habang mga botong 193-0-0 sa lower House, sa gitna ng mga panawagan para sa registration extension.
Layon ng panukala ng Senado na palawigin ng hanggang Oktubre 31 ang pagpapatala ng mga botante habang ang bersiyon ng Kamara ay pagpapalawig naman ng 30 araw matapos maipasa o maisabatas ito.
Kung walang mga makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga bersiyon ng Kamara at Senado, maaari itong maipadala sa Pangulo para sa pirma para sa pagpapalawak ng isang buwan pa sa voter registration.
Binigyang diin ni Senate Majority Leader Miguel Zubiri, isa sa principal authors, na mahalaga ang pagsasabatas nito para sa halalan sa susunod na taon dahil may 12 milyon pang botante ay hindi pa rehistrado dahil sa lockdown.
Pinuri naman ni Speaker Lord Allan Velasco ang pagkakapasa ng panukala na itinuturing na “a major step to prevent voter disenfranchisement.”
“We hope the Comelec will use the one-month extension to ramp up voter registration and ensure that more people can vote next year because we cannot afford to disenfranchise voters,” dagdag ni Velasco.
471989 428939Sweet internet site , super design , truly clean and utilize genial . 79705
149194 921614I consider something truly special in this site . 19255
802268 514868very good post. Neer knew this, thankyou for letting me know. 520734
195619 76610Thank you for your amazing post! It has long been very helpful. I hope that you will proceed sharing your wisdom with us. 691395