EXTENSION NG VOTER REGISTRATION HINILING

San Jose Del Monte City Rep Rida Robes

DAHIL sa pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Kalakhang Maynila, pansamantalang sarado ang mga field office ng Commission on Elections at hindi makapagparehistro ang mga tao.

Hiniling ni Rep. Rida Robes na palawigin ang deadline para sa voter re­gistration sa bansa kaugnay sa 2022 national and local elections.

Samantala, kahit  tuloy ang voter registration sa ibang panig ng bansa ay hindi naman makalabas ng bahay ang mga tao dahil sa takot sa mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Hiling ng mambabatas na  pag-isipan ng Comelec na palawigin ang September 30 deadline para sa voter registration, pahabain  ang oras ng pagpaparehistro mula sa 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon upang mas marami ang makapagpa-rehistrong botante, ngunit iginiit ang mahigpit na pagsunod sa health protocols upang makaiwas sa COVID-19.

Kasalukuyang pinag-aaralan ng Comelec na ire-activate ang milyong mga botante na inalis sa kanilang listahan.

Iniulat ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na pumalo na sa mahigit 5.7 milyon ang mga bagong botante na nairehistro ng  para sa 2022 elections.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Guanzon na hanggang          Agosto 13, 2021 ay nakapagtala na sila ng kabuuang 5,727,223 bagong registrants.

118 thoughts on “EXTENSION NG VOTER REGISTRATION HINILING”

Comments are closed.